Nalagpasan ng Bureau of Customs ang kanilang collection target ng 3.21% para sa unang anim na buwan ng 2023.
Simula Enero hanggang Hunyo, nakakolekta ang BOC ng P434.169-B sa duties at taxes, mas mataas ng P13.5-B kumpara sa P420.66-B na target para sa naturang panahon.
Ang unang anim na buwang koleksyon ay sobra rin ng P37.434-B kumpara sa kaparehong panahon noong 2022.
Noong Hunyo ay naka-kolekta ang ahensya ng P74.861-B, lagpas din sa 74.721 billion pesos na target para sa ika-anim na buwan ng taon. —sa panulat ni Lea Soriano