dzme1530.ph

Kim Jong Un, ininspeksyon ang unang spy satellite ng North Korea

Ininspeksyon ni North Korean Leader Kim Jong Un ang isang military satellite station, ayon sa State-run Korean Central News Agency.

Kapag inilunsad ang Spy Satellite ay sinasabing gagamit ito ng long-range missile technology na ipinagbabawal ng United Nations Security Council.

Sa Aerospace Agency ng bansa, inaprubahan ni Kim ang unspecified “future action plan” para sa launching ng satellite.

Tinaya naman ng ilang analysts na mangyayari ito sa mga susunod na linggo. —sa panulat ni Lea Soriano

 

About The Author