Ibinida ni North Korean Leader Kim Jong Un kay Russian Defense Minister Sergie Shoigu ang arms exhibition sa paggunita ng 70th Anniversary ng Korean War Armistice.
Sa mga larawang ibinahagi ng Korean Central News Agency, makikita sina Kim at Shoigu sa exhibition, tampok ang iba’t ibang mga armas, kabilang ang solid-fuel na Hwasong-18 at iba pang intercontinental ballistic missiles, pati na ang bagong drone.
Bihira para sa North Korean leader na mag-host ng Senior Foreign Military official sa isang lugar kung saan makikita ang advanced weapons ng bansa.
Ang pulong sa pagitan nina Kim at Shoigu ang unang pakikipag-usap ng Asian leader sa isang Senior Foreign official, simula noong JUNE 30, 2019 kung saan nakipag-meeting ito kay noo’y US President Donald Trump sa demilitarized zone na naghihiwalay sa dalawang bahagi ng korea. —sa panulat ni Lea Soriano