dzme1530.ph

KC Concepcion, kinumpirma ang pag-unfollow sa IG accounts ng stepdad, half-sister, para sa kanyang peace of mind

Kinumpirma ni KC Concepcion na in-unfollow niya sa Instagram ang kanyang stepdad na si dating Senador Kiko Pangilinan at half-sister na si Frankie.

Ginawa ng panganay na anak ni Sharon Cuneta ang kumpirmasyon, matapos ang ilang linggong usap-usapan social media ang tungkol sa pag-unfollow niya sa IG Accounts nina Kiko at Frankie.

Naging maligoy naman ang paliwanag ni KC sa dahilan ng kanyang ginawa, at sinabi lamang niya na kailangan niyang alagaan ang kanyang mental health para na rin sa kanyang peace of mind.

Inamin din ng 38-year old actress na may mga kumplikasyon talaga pagdating sa blended family, at ayaw niya ng maraming drama. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author