Kinuwestyon ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mga opisyal ng Department of Transportation sa zero allocation sa ilalim ng P214.3-billion proposed 2024 budget ng ahensya para PUV modernization program.
Ayon kay Gatchalian, nakakapagtakang habang minamandato ng gobyerno ang modernisasyon sa mga pampasaherong sasakyan ay hindi naman naglaan ng pondo para sa subsidiya para sa kanila.
Inamin naman ni DOTr sec. Jaime Bautista na kailangan nila ng pondo para sa equity subsidy sa mga apektadong operators.
Ayon kay Bautista, kailangan nila ng dagdag na P1.6 billion para maipatupad ang PUV modernization program.
Samantala, nangako ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na sa susunod na linggo ay aabot na sa 65% ang utilization rate nila sa inilaang P3 billion na pondo para sa fuel subsidy sa transport sector.
Kasama na rito ang mga modernized PUV drivers, traditional PUV drivers, tricycle drivers at delivery riders.
Inamin ng LTFRB na hindi nila agad matapos ang pamamahagi subsidy dahil hinintay pa nila ang listahan mula sa DILG, DICT at maging mga local government units.—ulat mula kay Dang Garcia, DZME News