dzme1530.ph

Kawalan ng displina at pakikipag-unahan sa ibang motorista, kabilang sa mga “sakit” ng violators sa EDSA Busway

Kawalan ng disiplina at pakikipag-unahan sa kapwa motorista ang ilan lamang sa mga dahilan kaya palala nang palala ang trapiko sa Pilipinas.

Sa kabila ng regular na operasyon, information campaigns, at mas mataas na multa sa nakalipas na tatlong buwan, patuloy pa ring nakakahuli ng mga violator ang MMDA sa EDSA Busway.

Palusot naman ng karamihan sa mga nahuhuli, hindi nila alam na bawal pumasok at dumaan sa busway.

Inihayag ng MMDA na nabawasan na ang bilang ng mga sasakyan na bumabagtas sa busway, subalit kapag mabigat ang trapiko ay mayroong ilang motorista na hindi mapigilang mag-overtake gamit ang busway. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author