dzme1530.ph

Kauna-unahang ‘Konsyerto sa Palasyo’, idaraos para sa AFP

Idaraos ng Malacañang ang kauna-unahang ‘Konsyerto sa Palasyo’ na ia-alay para sa Armed Forces of the Philippines.

Ayon sa Malacañang, ang “Konsyerto sa Palasyo: Awit ng Magiting” ay gaganapin bilang pagkilala sa sakripisyo ng militar sa pagpapanatili ng soberanya, kapayapaan, at seguridad.

Magtatanghal sa konsyerto ang iba’t ibang singers, instrumentalists, dancers and movement artists, rappers, spoken word artist, rock vocalists, theater artists, beatbox artists, at iba pa.

Bagamat hindi pa pinangalanan, sinabi ng Palasyo na ang performers ay magmumula sa Metro Manila, Cebu, Ilocos Norte, Quezon, Cavite, Iloilo, at Davao.

Itinakda ang Concert sa Abril 22, 2023, at pangangasiwaan ito ng Office of the President, Presidential Communications Office, Social Secretary’s Office, at Presidential Broadcast Staff – Radio Television Malacañang. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author