dzme1530.ph

Katiwalian sa pagbabayad ng Estate tax, ipasisilip sa Senado

Nais silipin ni Sen. Sherwin Gatchalian ang mga reklamo hinggil sa umano’y katiwalian sa pagproseso ng estate tax.

Sa gitna ito ng pag-pabor ni Gatchalian sa ipinapanukalang panibagong dalawang taong extension sa amnestiya sa pagbabayad ng estate taxes.

Ayon kay Gatchalian, may mga reklamong nakarating sa kanilang tanggapan na kaya marami pa rin ang hindi nagbabayad ng estate tax dahil sa matinding hirap sa proseso.

Gayunman, upang mapadali anya ang proseso, ilan sa ating mga kababayan ang na-oobligang kumuha ng fixer upang hindi na mahirapan sa kanilang transaksyon.

Nais busisiin ng senador kung sino ang mga posibleng kasabwat ng mga fixer para pagkakitaan ang mga taxpayer.

Aminado si Gatchalian na kahit palawigin pa ang estate tax amnesty ay hindi pa rin mahihikayat ang ating mga kababayan na magbayad ng buwis kung hindi pa rin maayos ang sistema. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author