dzme1530.ph

Katiting na rollback sa presyo ng mga produktong Petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Asahan ang baryang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa 4-day trading, sinabi ng Department of Energy na posibleng umabot sa bente sentimos hanggang quarenta y singko sentimos ang inaasahang rollback sa kada litro ng Gasolina habang P0.40 centavos hanggang P0.60 centavos naman sa Diesel.

May bawas presyo rin na p0.70 centavos hanggang P0.90 centavos sa kada litro ng Kerosene o Gaas.

Sa datos ng Department of Energy, as of April 23, ang kabuuang year-to-date adjustments ay mayroong net increase na p10.25 sa kada litro ng Gasolina, P6.05 sa kada litro ng diesel, at P1.15 sa kada litro ng kerosene.

About The Author