dzme1530.ph

Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, kinumpirma ang kanilang paghihiwalay

Kinumpirma nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na nagtapos na ang kanilang relasyon na tumagal ng 11-taon.

Ginawa ni Kathryn ang kumpirmasyon sa pamamagitan ng Instagram post, kahapon, kung saan ibinahagi niya ang lumang litrato nila ni Daniel.

Sinabi niya na “Chapter Closed,” at sana ay makatulong ang kanyang pag-amin para maka-move forward na ang lahat.

Pinasalamatan naman ni Kathryn si Daniel sa pag-aalaga ng totoong relasyon, na kailanman ay hindi palabas lang, kasabay ng pagbibigay diin na minahal nila nang totoo ang isa’t isa.

Sa Instagram din ipinadaan ng aktor ang pasasalamat kay Kathryn at sa kanilang fans.

Sinabi ni Daniel na sa limitadong oras sa mundo, isang malaking biyaya na mahalin si Kathryn at mahalin siya nito. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author