Pinag-aaralan ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change ang posibleng administrative liabilities ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (MARINA) sa oil spill na sumira sa katubigan ng Oriental Mindoro dahil sa paglubog ng MT Princess Empress.
Ayon kay Senator Cynthia Villar, tiwala sya na ang ilang mga opisyal mula sa naturang mga ahensya ay may pananagutan sa issue ng tumagas na langis sapagkat sila ang in-charge sa pag-i-issue ng permit at pagre-regulate sa maritime movements sa bansa.
Aniya, hindi pa nila nare-review ang Civil Service, at ang tinitingnan nila ngayon ay ang pananagutan ng may-ari ng barko sa mga residenteng napahirapan nila.
Pagdidiin ni Villar, mayroon talagang liability.
Dagdag ng Senadora, magpapatuloy ang kanilang pagdinig hinggil sa Mindoro Oil spill matapos ang recess ng Senado para sa Holy Week.