dzme1530.ph

Kaso ng measles sa bansa, tumaas!

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagsirit ng kaso ng measles sa bansa.

Sa pinakahuling DOH disease surveillance report, umakyat sa 1,114 ang measles case simula a-primero ng enero hanggang ika-9 ng Agosto, 2023.

Mas mataas ito ng 215% kumpara sa naitalang 354 cases noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.

Pinaka marami ang naiulat sa Central Luzon na umabot sa 354 cases; sinundan ng Bangsamoro, 121 cases; at Central Visayas na may 117 kaso ng measles.

Biglang sirit naman ng kaso ang na-record sa Cordillera na may 1,100% o mula sa zero hanggang 12 cases; Soccsksargen na may 1,033% increase o mula sa siyam hanggang

102 na kaso; at Central Luzon na mayroong 624% na pagtaas sa kaso o mula sa 25 hanggang 81.

Samantala, pumalo na sa tatlo ang bilang ng mga nasawi dahil sa measles ngayong taon kumpara sa isang katao na naitala noong 2022. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author