dzme1530.ph

Kaso ng leptospirosis at dengue, tumaas noong Hulyo

Tumaas ang mga kaso ng leptospirosis at dengue noong Hulyo sa gitna ng sunod-sunod na mga pag-ulan na nagpabaha sa ilang lugar sa bansa, ayon sa Department of Health.

Simula July 16 hanggang 29, inihayag ng DOH na mayroong naitalang 199 na mga bagong kaso ng leptospirosis, na mas mataas ng 18% kumpara sa 170 cases na naiulat sa unang dalawang linggo ng Hulyo.

Ang Ilocos Region at Central Luzon ang naobserbahan na may tuloy-tuloy na pagtaas ng mga kaso sa nakalipas na anim na linggo habang lumobo rin ang leptospirosis cases sa CALABARZON, MIMAROPA, Central Visayas, Bangsamoro Region, at National Capital Region.

Kabuuang 47 ang namatay bunsod ng bacterial disease simula July 18 hanggang 29, kabilang ang 13 mula sa NCR.

Samantala, nakapagtala rin ang DOH ng 1% increase sa dengue cases simula July 2 hanggang 15.

Sa naturang panahon, 9,877 na mga kaso ang naitala mula sa 9,782 na nai-record mula June 18 hanggang July 1. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author