Umakyat sa 1,409 ang naitalang kaso ng Chikungunya sa bansa, simula Jan. 1 hanggang Aug. 12, ayon sa Department of Health.
Mas mataas ito ng 213% kumpara sa 450 cases na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sa tala ng DOH, ang Cordillera Administrative Region ang mayroong pinakamaraming kaso na nasa 372; sumunod ang MIMAROPA na may 222, at Cagayan Valley na may 218.
Sa datos mula sa Epidemiology Bureau ng ahensya, walang naitalang nasawi dahil sa Chikungunya na dulot ng kagat ng lamok, sa nakalipas na dalawang taon. —sa panulat ni Lea Soriano