dzme1530.ph

Karen Bordador, biglaang pinalitan si Kristel Fulgar bilang host ng isang Korean fan meet

Inulan ng batikos ang Aktres-TV Host na si Karen Bordador dahil sa pagkuha sa kanya bilang kapalit ni Kristel Fulgar para I-Host ang fan meet ng Korean Actor-Singer na si Seo In-Guk.

Inamin ni Karen sa pamamagitan ng kanyang social media post, na tila nalulungkot siya sa nangyari kay Kristel dahil sa ginawa ng isang tao na hindi manlang akuin ang responsibilidad sa naturang isyu.

Ito ay matapos aniya siyang makatanggap ng “mean and baseless irritational hate” na hindi niya deserve.

Sa vlog kasi ni Karen nitong Miyerkules, idinetalye nito kung paano siya biglaang nakuha bilang host ng fan meet.

Pasado alas-12 na aniya ng gabi nang makatanggap siya ng text message na hinihingi ang contact number niya para sa isang event.

Hindi daw ito kaagad na pinansin ni Karen hanggang sa makatanggap siya ng tawag kinabukasan ng hapon na para pala ito sa Seo In Guk fan meet sa New Frontier Theater sa Quezon City, mismong araw din kung kailan siya tinawagan para sa hosting gig.

Nabatid na una nang inanunsyo ni Kristel Fulgar na siya ang magho-host ng naturang fan meet ngunit last minute siyang tinanggal ng organizer dahil kulang umano ang energy niya para sa event. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author