Nagpakalat ang 11th Infantry Battalion ng Philippine Army ng karagdagang mga sundalo sa Negros Oriental kasunod ng pamamaslang kay Gov. Roel Degamo noong March 4.
Ginawa ang deployment upang matiyak na ligtas ang iba’t ibang bahagi ng lalawigan sa gitna ng nagpapatuloy na pagtugis sa iba pang mga salarin.
Ginagalugad din ng mga sundalo ang mga bulubunduking bahagi ng negros oriental, pati na ang Negros Occidental na posibleng pinagtataguan ng iba pang mga suspek sa pagpatay kay Degamo.
Una nang inihayag ni Defense secretary Carlito Galvez Jr. noong Biyernes na magde-deploy ang Armed Forces of the Philippines ng karagdagang military personnel sa Negros Island upang mapigilan ang karahasan at maibalik ang katahimikan kasunod ng pagpaslang sa gobernador.
Tutulungan din aniya ng mga sundalo ang mga Pulis sa pag-kordon sa lugar upang mapigilan ang mga suspek na malakabas ng isla.