dzme1530.ph

Kapatid ni Arnie Teves na si Pryde Henry, naghain ng COC para sa special election sa Negros Oriental

Naghain si dating Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves ng Certificate of Candidacy (COC) para sa nalalapit na special election upang punan ang puwesto ng kanyang kapatid na si Arnolfo “Arnie” Teves Jr. na pinatalsik sa Kamara.

Ayon sa Comelec, ang paghahain ni Pryde Henry ng COC ngayong Miyerkules ay nangyari sa ikatlong araw ng pagsusumite ng kandidatura para sa special election sa Ikatlong distrito ng Negros Oriental sa Dec. 9.

Magugunitang pinatalsik sa Kamara si Arnie Teves bunsod ng disorderly behavior at patuloy na pagliban sa mga hearing sa mababang kapulungan sa kabila nang nag-expire na ang kanyang travel authority.

Ang magkapatid na Arnie at Pryde Henry ay itinuring na mga terorista ng Anti-Terrorism Council kaugnay ng mga pagpatay at pananakot sa Negros Oriental.

Nahaharap din si Arnie sa mga kasong Murder, Frustrated Murder, at Attempted Murder kaugnay naman ng pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author