Isasapubliko na ngayong araw ang magiging kapalaran ng 953 police generals at colonels na nagsumite ng kanilang ‘courtesy resignation’.
Ito ayon sa inilabas na abiso ng Department of Interior and Local Government (DILG), kahapon. Kung saan nakasaad na mismong si DILG secr. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang magbibigay ng updates kaugnay sa mga natuklasan ng five-man advisory body, at resulta ng isinagawang reviews ng National Police Commission (NAPOLCOM) sa mga matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP).
Nabatid na nasa kabuuang 953 police officials ang inatasan na boluntaryong magbitiw sa tungkulin, kamakailan.
Kasunod ito ng pagkakasangkot ng ilang tauhan ng PNP sa illegal drug trade dahilan para isailalim sa Anti-Illegal Drug Campaign ang mga opisyal, na bahagi ng internal cleansing sa hanay ng pulisya.