dzme1530.ph

Kampo ni Cong. Teves, posibleng kuwestiyunin sa Korte ang panibagong suspensyon na ipinataw ng Kamara

Posibleng kuwestiyunin ni Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr. sa Korte ang panibagong suspensyon na ipinataw laban sa kanya ng Kamara.

Sinabi ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, na hindi nila isinasara ang kanilang pinto para sa iba pa nilang options upang maipagtanggol ang karapatan ng kanyang kliyente.

Ipinaliwanag ni Topacio na bagaman ang pagpapataw ng suspensions at penalties ay nakapaloob sa kapangyarihan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, posible rin naman aniya na nalabag ang karapatan ng kanyang kliyente, partikular ang “Right to Due Process and Equal Protection.”

Matapos ang botohan kahapon ay pinatawan muli si Teves ng 60-day suspension at tinanggalan ng committee memberships sa Kamara dahil sa kanyang Unauthorised Absence.

Patuloy ang pagmamatigas ni Teves na hindi umuwi sa bansa matapos idawit ang kanyang pangalan sa pagpaslang kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at siyam na iba pa noong March 4.

About The Author