dzme1530.ph

Kamara, pagbubutihin pa ang pagta-trabaho matapos makakuha ng mataas na trust at performance ratings

Nagpasalamat si House Speaker Martin Romualdez sa taumbayan sa tiwalang ibinigay na nagresulta sa pagtaas ng trust at performance ratings nito.

Sa December 10-14 survey ng OCTA Research, umakyat sa 64% ang trust rating nito mula sa 60% noong buwan ng Oktubre, habang 65% ang performance rating mula sa dating 61%.

Ayon kay Romualdez ang tiwalang ito ay nagsisilbing gabay para lalo pang magpunyagi sa trabaho at iangat ang antas ng pamumuhay sa pamamagitan ng paggawa ng batas.

Aniya, bagama’t ang survey ay gaya ng public sentiment, hindi ito dapat isiping reward sa kanilang “hard work” kundi paalala na may responsabilidad sila bilang mga public servants.

Sa OCTA survey tumaas din ng 3% ang trust rating ni PBBM, 76%; 2% up din sina VP Sara Duterte 77%, at Senate President Miguel Zubiri 59%; habang si SC Chief Justice Alexander Gesmundo ay nakakuha ng 23%.

Sa performance rating si PBBM ay 71%; VP Sara 75%; SP Zubiri 60% at CJ Gezmundo 18%. —sa panulat ni Ed Sarto

About The Author