dzme1530.ph

Kamara de Representantes, halos 95% nang handa sa joint session bukas kasabay ng pagbisita ng Japanese PM

Halos 95% nang handa ang Kamara de Representantes sa paghahanda nito kaugnay ng special joint session bukas, para sa gagawing talumpati ni visiting Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Sa panayam ng dzME Kinse Trenta, Ang Radyo Uno, sinabi ni House Secretary General Reginald Velasco, na panghuli sa kanilang preparasyon ay ang gagawing ‘walkthrough” ngayong araw sa Batasan Complex kasama ang mga opisyal ng Japanese Embassy.

Inamin ni Velasco na isa pa sa isinasapinal ay kung anong pagkain ang ihahain kay PM Kishida at buong entorage nito na aabutin ng pananghalian sa Kamara.

Alinsunod sa aktibidad alas nueva ng umaga iko-convene ang House at Senate para sa gagawing special joint session, at hihintayin ang pagdating sa Batasan ng visiting official.

Inaasahang si Speaker Martin Romualdez, Tingog Partylist Rep. Yedda Marrie at Senate President Juan Miguel Zubiri ang sasalubong kay Kishida pagdating nito sa batasan.

At eksaktong alas onse ng umaga, magsisimula si Kishida na i-address ang joint session. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author