Umapela si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa mabilis at mapayapang resolusyon sa puwersahang pag-agaw ng Iranian authorities sa MSC Aries, isang Portuguese-flagged container na may 25 crew members, at apat nito ay tripulanteng Pinoy.
Ayon kay Romualdez, ang kaligtasan ng apat na Pinoy seafarers ang pangunahin nilang sinisiguro, upang agad na itong makauwi sa kanilang pamilya sa Pilipinas.
Nagbigay na umano ng direktiba si Pang. Ferdinand Marcos, Jr. sa Department of Migrant Workers para gawin ang lahat ng paraan upang maiuwi ng ligtas ang mga bihag na seafarer.
Pinasisiguro rin ng Pangulo na maipagkakaloob sa pamilya ng apat na tripulante ang kinakailangang tulong.
Kasunod ng pagbihag, iniulat ng Iran’s state-run News Agency na ang pag-agaw sa MSC Aries ng IRGC’s Special Naval Forces sa Strait of Hormuz ay konektado sa Israel-Hamas conflict sa Gaza.