dzme1530.ph

Kalat-kalat na pag-uulan, asahan ngayong araw sa Visayas at Mindanao

Patuloy na makararanas ng maulap na kalangitan, na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Mindanao, Central Visayas, at Eastern Visayas bunsod ng Trough o extension ng low pressure area (LPA).

Ganitong panahon din ang inaasahan sa buong magdamag sa Palawan, at Occidental Mindoro dala naman ng hanging habagat.

Habang magkasamang makaaapekto ang habagat at localized thunderstorms sa Metro Manila at nalalabing bahagi naman ng bansa na makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin.

Sumikat ang araw kaninang 5:45 ng umaga at lulubog naman mamayang 5:49 ng hapon. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author