dzme1530.ph

Kakulangan ng bidders para sa Green Energy Auction program, hindi maaaring isisi sa NGCP

Hindi maaaring isisi ng Department of Energy sa National Grid Corporation ang kakulangan ng bidders para sa Green Energy Auction Program.

Ayon kay Tetchie Cruz-Capellan, Chief Executive Officer ng Sun Asia Energy, ang kakulangan ng mga bidder para sa renewable energy ay dahil sa sobrang baba ng presyong itinakda ng Energy Regulatory Commission.

Ani Capellan, hinihikayat nila ang ERC na muling ikunsidera ang itinakda nitong floor price dahil bukod sa ‘unrealistic pricing’, masyadong mahal pa ang pagtatayo ng mga green energy projects sa ngayon.

Nagtakda kasi ang ERC na maaari lamang maningil ang mga renewable energy providers ng P4.4 hanggang P6.2 per kilowatthour bagay na sobrang baba ayon sa mga power providers dahil masyadong mahal pa ang pagpapatayo ng mga solar energy, wind farm at biomass.

Naunang naglabas ng pahayag ang Department of Energy kung saan sinisisi nito ang NGCP sa pagsasabing dahil di-umano sa kakulangan ng mga transmission projects, kaya kakaunti ang mga green energy providers ang nagsumite ng bid.

About The Author