Nasamsam ng Philippine Coast Guard ang kahon-kahong ng umano’y smuggled na sigarilyo sa isang daungan sa Samar.
Sa report ng PCG, nakatanggap ng impormasyon ang Station Northern Samar, kaugnay sa kahina-hinalang 700 na kahon ng ibat-ibang reams na ipinagbabawal na sigarilyo sa Port ng Balwharteco, Looc, Allen, Northern Samar.
Kaagad na kinumpiska ang mga nasabing sigarilyo, na kinabibilangan ng 600 reams ng Fort Menthol Cigarettes at 100 reams ng Bravo Red Cigarettes na tinatayang nasa market value na Php1,050,000.00.
Nag-ugat ang Pagkakadiskubre sa isinagawang random paneling inspection, ng isa sa Coast Guard K9, na kaulanan ay nakumpirma na positibo ang puting premium na van, na pinaglagyan ng kahon2x mga sigarilyo.
Ayon sa PCG undocumented ang mga nakumpiskang sigarilyo ay mula sa Davao City, at nakatakdang dalhin sa Cubao, Quezon City.
Reklamong paglabag sa Sec. 263 at Sec. 265 ng National Internal Revenue Code ng 1997.
Ang nasabing mga kontrabando ay na-iturn over na sa Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 8 para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News