dzme1530.ph

Kahalagahan ng Vit. A sa ating katawan, alamin!

Malaki ang tungkulin ng Vitamin A sa ating kalusugan, lalo na sa growth at cell development.

Ayon sa mga eksperto, mahalaga ang bitaminang ito sa pagpapanatili ng mahusay na paningin, magandang lagay ng ating balat, buhok, kuko, gilagid, buto, at ngipin.

Nakatutulong din ang Vitamin A upang mapababa ang tiyansa ng pagkakaroon ng kanser.

Ilan sa mga pagkaing maaaring pagkunan ng Vitamin A ang carrots, kalabasa, broccoli, papaya, salmon at iba pang cold-water fish, itlog at iba’t-ibang dairy products tulad ng mild, cheese, butter at yogurt.  —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author