dzme1530.ph

Kahalagahan ng confidential funds, iginiit ng bise presidente

Iginiit ni Vice President at Department of Education (DEPED) Secretary Sara Duterte ang kahalagahan ng confidential funds para sa seguridad ng bansa.

Ayon kay VP Sara, ang confidential fund ay may mahalagang papel sa pagtugon sa mga isyu tulad ng terorismo, krimen at pangangalaga sa integridad ng Pilipinas.

Aniya ang mga umaatake sa pondong nakalaan para sa peace and order ng bansa ay kalaban ng bayan.

Ipinagtanggol din ng bise presidente ang kontrobersyal na proposed confidential funds ng kanyang opisina

Binigyang diin nito na ang pagprotekta sa kapayapaan, kaayusan at edukasyon ang cornerstones nang maunlad na lipunan.

Matatandaang balak nang ilipat ang pinagsamang P650-million confidential funds ng Office of the Vice President at DEPED na pinamumunuan ni VP Sara para sa 2024 sa mga ahensiyang nagbabantay sa West Philippine Sea.

About The Author