dzme1530.ph

Kabayanihan ng SAF 44, mababalewala kung isusuko lamang ang ating teritoryo sa “trespassers”

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mababalewala ang kabayanihang ipinamalas ng SAF 44, kung hahayaan lamang nating isuko ang ating teritoryo sa “trespassers” o mga nanghihimasok sa bansa.

Sa National Remembrance Ceremony sa PNPA Camp General Mariano Castañeda sa Silang, Cavite, iginiit ng Pangulo na kung magiging maamo tayo sa mga terorista, magiging sampal ito sa alaala ng namayapang SAF 44.

Kaugnay dito, pinayuhan ng Pangulo ang mga naiwang kasamahan ng SAF 44 na isabuhay ang kanilang alaala sa pamamagitan ng pagwawagayway ng watawat na kanilang ipinaglaban.

Hinimok din silang tularan ang pambihirang katapangang ipinakita ng SAF 44.

Tiniyak naman ni Marcos na hindi titigil ang gobyerno sa pagsusumikap na tuparin ang mga pangarap ng mga naulilang anak at pamilya ng SAF 44. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author