![]()
Naniniwala si Sen. Panfilo Lacson na inabuso ng ilang tiwaling opisyal ang kabaitan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang makapangulimbat sa pondo ng bayan.
Una nang sinabi ni Lacson na ginamit nina dating undersecretaries Adrian Bersamin at Trygve Olaivar ang pangalan ng Pangulo upang makapagpasok ng insertion sa 2025 national budget.
Ipinaliwanag ng senador na walang sinuman ang hindi maniniwala na utos ito ng Pangulo kung matataas na opisyal din sa Malakanyang ang nagparating.
Iginiit ni Lacson na nakakapagtaka na kung mismong ang Pangulo ang nagpainsert ng P100 bilyon na halaga ng proyekto, bakit niya ito iveveto.
Parehong obserbasyon ang inihayag ni Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian na nagsabing nakapagtatakang iveveto at tatakan ng “for later release” ng Pangulo ang mga proyekto kung siya mismo ang nagpapasok nito.
