Mas pabor si Sen. Alan Peter Cayetano na ibalik ang lumang curriculum sa basic education sa halip na ipagpatuloy ang implementasyon ng K-12 system.
Sinabi ni Cayetano na noon pa man ay tutol na siya sa K-12 Program.
Ayon kay Cayetano, bumaba ang kalidad ng edukasyon o may Learning Poverty sa Pilipinas simula nang ipatupad ang K-12 kumpara sa lumang Curriculum.
Ang dahilan anya ay umikli ang oras ng mga mag-aaral sa mga klase kumpara sa dati.
Ibinahagi pa ng senador ang World Bank Report sa kalidad ng edukasyon sa East Asia at Pacific Region, na siyam sa bawat 10 batang Pilipino ay hindi marunong magbasa at umintindi.
Pinuna rin ng mambabatas ang sistema ngayon sa mga paaralan na shifting sa klase kaya’t wala pang anim na oras nagtatagal upang mag-aral ang isang bata sa eskwelahan kumpara sa dati na 8-oras ng pag-aaral. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News