dzme1530.ph

Justice Sec. Remulla, hinamon na pangalanan ang ‘warlords’ na nagpo-protekta kay Arnie Teves

Kinuwestiyon ng kampo ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ang tungkol sa ibinunyag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, na mga warlord sa Asya ang pumu-protekta sa pinatalsik na mambabatas.

Sa statement, hinamon ni Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, si Remulla na pangalanan ang sinasabi nitong warlords.

Nakiusap din si Topacio sa kalihim na huwag magtago sa kanyang stock answer dahil lehitimo naman aniya ang kanilang mga tanong.

Ginawa ng abogado ang pahayag makaraang isiwalat ni Remulla kagabi na si Teves na umano’y mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, ay nananatili pa rin sa southeast Asia at pino-protektahan daw ng local warlords. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author