dzme1530.ph

Justice Sec. Boying Remulla, binanatan ang PNP-ACG sa isinagawang raid sa Las Piñas City

Binanatan ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla ang PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) dahil sa kabiguang makipag-coordinate sa Department of Justice bago nagkasa ng operasyon.

Sinabi ni Remulla na hindi sila papayag sa DOJ na manghuli pero walang kaso.

Aniya, maraming pending cases ang hindi naihain bunsod ng kakulangan ng ebidensya.

Inihayag ng kalihim na walang tinukoy ang mga pulis na partikular ginawa o grounds para arestuhin ang mga naturang indibidwal.

Basta lang aniya pinasok ng mga pulis ang gusali at tila nanghuli ng mga isda. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author