Idineklara ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang June 6, 2025, bilang regular holiday sa buong bansa para sa paggunita ng Eid’l Adha o The Feast of Sacrifice.
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Proclamation no. 911 noong May 21, kasunod ng rekomendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.
Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang mahalagang holidays sa Muslim calendar, habang ang isa pa ay Eid’l Fitr na pagtatapos naman ng Banal na Buwan ng Ramadan.
Sa Eid’l Adha, nagkakatay ang mga Muslim ng mga tupa, kambing, baka, at kamelyo upang alalahanin ang kahandaan ng propetang si Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak, alinsunod sa kautusan ni Allah.