Inihahanda na ng aktres na si Judy Ann Santos ang kanyang panganay na anak na si Yohan sa pagpasok nito sa kolehiyo.
Bago magsimula ang pasukan ay tinuruan ni Juday ang anak na sumakay ng jeep at bus papunta sa ekwelahan nito at pauwi sa kanilang bahay.
Ibinahagi ng Aktres sa kanyang Instagram stories ang bonding nilang mag-ina habang nagko-commute.
Una nang sinabi ni Juday sa kanyang panganay na asahan nito ang mga pagbabago sa College life, kung saan marami itong mararanasang ups and downs, subalit lahat ng ito ay makatutulong sa kanya upang maging responsable at mabuting tao. —sa panulat ni Lea Soriano