dzme1530.ph

Juan Karlos Labajo, gumawa ng kasaysayan sa kantang “Ere”

Gumawa ng kasaysayan ang OPM singer-songwriter na si Juan Karlos Labajo sa kanyang latest single na “Ere” bilang kauna-unahang Filipino song na nakapasok sa global chart ng Spotify.

Ang naturang kanta rin ang Most streamed local song sa Pilipinas sa loob ng isang araw ngayong taon.

Ayon sa post ng chart data sa X (dating Twitter), nag-debut ang “Ere” sa no. 177 spot na may 1.22 million streams.

Hanggang kahapon ay inokupa nito ang no. 58 sa Spotify top songs global.

Binasag din ng “Ere” ang all-time record para sa biggest single-day stream sa Spotify Philippines sa kanyang 1.39 million streams, at inungusan ang “Mine” ng American pop star na si Taylor Swift. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author