Itinalaga ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang mamamahayag na si Paulino Gutierrez bilang bagong Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security.
Ayon sa Presidential Communications Office, inappoint si Gutierrez noong May 19, 2023, at magkakaroon siya ng ranggong Undersecretary.
Pinalitan niya si former Media Task Force chief Joel Sy Egco.
Si Gutierrez ay dating naging President at Director ng National Press Club.
Ang Presidential Task Force on Media Security ay nasa ilalim ng Office of the President, at layunin nitong itaguyod ang proteksyon ng mga mamamahayag sa bansa laban sa anumang banta upang maitaguyod ang press freedom. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News