dzme1530.ph

Jose Manalo, ibinunyag na nag-sorry sa kanya si Buboy Villar

Isiniwalat ni Jose Manalo na umiiyak na nag-reach out sa kanya si Buboy Villar na isa sa mga host ng bagong “Eat Bulaga,” nang mag-sorry ito sa kanya dahil sa tinanggap nitong trabaho sa noontime show.

Ginawa ni Jose ang pahayag matapos tanungin kung ano ang magiging reaksyon nito sakaling makasalubong ang mga host ng bagong Eat Bulaga.

Sinabi ni Jose na bisperas bago mag-live ang show ay umiiyak na tumawag sa kanya si Buboy at humingi ng sorry.

Aniya, wala namang problema at alaga naman niya si Buboy noong bata pa ito at isinasama pa niya sa mga show.

Kinongrats din ni Jose ang mga bagong host ng noontime show dahil mayroon silang trabaho. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author