dzme1530.ph

Jordan Clarkson, tiniyak na patuloy na lalaban ang Gilas Pilipinas para makamit ang napakailap na panalo sa FIBA World Cup

Sa kabila nang pagiging “winless” sa nagpapatuloy na 2023 FIBA World Cup na ginaganap sa bansa, tiniyak ni Jordan Clarkson na walang makapipigil sa Gilas Pilipinas na lumaban pa rin para makamtan ang napakailap na panalo.

Kagabi ay muling nabigo ang Gilas sa kanilang classification round laban sa South Sudan sa score na 87-68.

Ito ang ika-4 na sunod na talo ng Pilipinas mula nang buksan ang World Cup noong Aug. 25.

Gayunman, sinabi ni Clarkson na patuloy pa rin lalaban ang pambansang koponan para sa kanilang final game kontra China, bukas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author