dzme1530.ph

Jordan Clarkson, Kai Sotto, kasama na sa practice ng Gilas Pilipinas para sa nalalapit na FIBA World Cup

Sumabak na sa practice ng Gilas Pilipinas sina Jordan Clarkson at Kai Sotto sa PhilSports Arena sa Pasig City, dalawang linggo nalang bago ang 2023 FIBA World Cup na gaganapin sa bansa.

Ibinahagi ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes sa Instagram ang video ng dalawang players na kasama sa practice sa unang pagkakataon simula nang makabalik ang team mula sa sinalihang 2023 Heyuan Wus International Tournament sa China kung saan naiuwi nila ang 3-1 win-loss record.

Si Clarkson ay dumating sa Pilipinas noong Martes habang si Sotto ay hindi nakasama ng team sa pocket tournament sa China dahil sa kanyang back injury.

Inaasahang palalakasin ng dalawang players ang Gilas Pilipinas sa pagharap nila sa Dominican Republic sa Opening Night ng FIBA, sa Aug. 25, sa Philippine Arena sa Bulacan. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author