Malapit nang matapos na ang West Philippine Sea Joint Maritime Patrol Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, ayon na National Security Council.
Sinabi ni NSC Spokesperson Jonathan Malaya na umaasa silang mailulunsad ang joint maritime patrol bago matapos ang taon.
Binigyang diin ni Malaya na layunin ng hakbang na matiyak ang Freedom of Navigation sa pamamagitan ng pagpapanatiling bukas ng mga daan sa karagatan.
Noong Pebrero ay inanunsyo ang planong simulan muli ang joint maritime patrols sa West Philippine Sea nang bumisita sa Pilipinas si US Defense Secretary Lloyd Austin upang matugunan ang security challenges sa rehiyon. —sa panulat ni Lea Soriano