dzme1530.ph

Joaquin Domagoso, ipinakilala na ang anak na si Scott sa kanyang followers

Ipinakilala na ng young actor na si Joaquin Domagoso ang kanyang anak na si Scott sa kanyang mga follower sa social media.

Sa unang pagkakataon, ibinahagi ni Joaquin ang limang adorable photos ng kanyang baby boy, kabilang na ang isa kung saan hinahalikan niya ang pisngi ng panganay na anak nila ng Girlfriend na si Raffa Castro.

Tumanggap ang post ng libo-libong likes at daan-daang comments mula sa mga netizen na nagpahayag ng kanilang paghanga kay Scott.

Hulyo ng nakaraang taon nang kumpirmahin ng ama ni Joaquin na si dating Manila Mayor Isko Moreno na isa na siyang lolo.

About The Author