Pinarangalan ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) sina Joaquin Domagoso at Jeric Gonzales makaraang manalo ng Best Actor Awards sa International Film Festivals.
Tinanggap ng dalawang aktor ang kanilang “Ani ng Dangal” Trophies sa isang awarding ceremony na ginanap sa Palasyo ng Malakanyang kahapon.
Si Jeric ay itinanghal na Best Actor sa Harlem International Film Festival sa New York sa kanyang pagganap sa award-winning independent film na “Broken Blooms.”
Si Joaquin naman ay nakasungkit din ng kaparehong award sa 16th Toronto Film and script awards para sa kanyang pagganap sa acclaimed film na “That Boy In The Dark.”
Ang “Ani ng Dangal” ay kumikilala sa natural-born Filipino artists o groups na tumanggap ng international awards at mga parangal sa architecture, cinema, dance, dramatic arts, literary arts, music, visual arts, folk arts, at broacast arts sa nakalipas na taon.
Kabilang sa iba pang awardees ay sina Dolly De Leon na nanalo bilang Best Supporting Performer sa Los Angeles Critics’ Awards at nakakuha ng historic nominations sa Golden Globes at Bafta Film Awards para sa “Triangle of Sadness,” at billy crawford na kampeon naman sa “Dancing With The Stars” sa france noong nakaraang taon.