dzme1530.ph

Jisoo at Ahn Bo Hyun, nagde-date na!

In a relationship na ang BLACKPINK singer na si Jisoo at actor na si Ahn Bo Hyun.

Ito ang kinumpirma ng Dispatch, isang korean media outlet, kasabay ng pagbahagi ng larawan na nagkikita ang dalawa sa bahay mismo ng BLACKPINK star.

Maging ang YG Entertainment na handler ni Jisoo at FN Entertainment Agency ni Bo Hyun ay kinumpirmang nagde-date ang dalawa.

Marami naman ang natuwa para sa “Getting to Know” stage ng nasabing Korean stars,

Si Jisoo ay nag-debut noong 2016 bilang miyembro ng BLACKPINK, na itinuturing “Biggest girl group in the World” noong 2022, habang si Bo Hyun ay naging popular sa kaniyang pagiging kontrabida sa drama series na “Itaewon Class” noong 2020. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author