dzme1530.ph

Jericho Rosales, nagsimula na sa filming ng international prison drama na “Sellblock”

Sinimulan na ni Jericho Rosales ang filming ng kanyang upcoming international prison drama na “Sellblock.”

Sa instagram, ibinahagi ng aktor ang litrato ng kanyang script, kung saan na-reveal ang pangalan ng kanyang karakter na si Cenon Santiago.

Ang “Sellblock” ay collaboration ng blackops studios asia ng Pilipinas, Story Arch Pictures ng United States, at Agog Film ng Hong Kong.

Matatandaang ibinahagi ni Echo sa kanyang followers noong 2022 na nag-take siya ng acting workshops sa New York City upang mahasa pa ang kanyang talento. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author