dzme1530.ph

Japan PM Fumio Kishida, dumating na sa bansa!

Dumating na sa bansa si Japan Prime Minister Fumio Kishida.

Pasado alas 2:30 ng hapon nang lumapag ang eroplanong sinakyan ni Kishida sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinalubong ito nina Transportation Sec. Jaime Bautista at iba pang opisyal.

Dederetso si Kishida sa Luneta, Maynila para sa pag-aalay ng bulaklak sa monumento ni Dr. Jose Rizal.

Kasunod nito ay magtutungo ang Japanese leader sa Malakanyang para sa bilateral meeting kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Tatalakayin ng dalawang lider ang sigalot sa West Philippine Sea at iba pang regional at international issues kaakibat ng pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at Japan.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author