dzme1530.ph

Japan, nasungkit ang Jones Cup title makaraang payukuin ang Gilas Women

Bigo ang Philippine Women’s Basketball team sa final assignment nito sa 2023 William Jones Cup for Women, makaraang matalo sa koponan ng Japan, sa Heping Basketball Gymnasium sa Taipei, kagabi.

Pinayuko ng Chanson ang Gilas Pilipinas Women’s squad sa score na 95-88, at nagtapos ang kampanya ng Pinay Cagers sa 1-4 win-loss record.

Tinapos naman ng Japanese team ang torneyo na may malinis na 5-0 record at nasungkit ang Jones Cup Title. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author