dzme1530.ph

Jan. 9, idineklarang special non-working day sa Maynila para sa Pista ng Itim na Nazareno

Dineklarang special non-working day ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang Jan. 09, 2024, araw ng Martes, sa Lungsod ng Maynila.

Ito ay para sa pagdiriwang ng pista ng Itim ng Nazareno.

Sa proclamation no. 434 na may lagda ni ES Lucas Bersamin, nakasaad na nararapat na mabigyan ng buong oportunidad ang mga residente ng Maynila upang makiisa sa selerasyon.

Sa Jan. 09 ay isasagawa ang tradisyunal na Traslacion na inaasahang lalahukan ng milyun-milyong deboto. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author