dzme1530.ph

James Aranas at Johann Chua, namayagpag sa 2023 World Cup of Pool

Makalipas ang sampung taon, muling nag-kampeon ang Pilipinas sa World Cup of Pool.

Namayagpag ang tambalan nina James Aranas at Johann Chua sa 2023 World Cup of Pool makaraang talunin ang German pair na sina Joshua Filler at Moritz Neuhausen, sa score na 11-7, sa finals, sa Spain.

Bago padapain ang Germany, tinalo muna ng Pilipinas ang Austria sa score na 9-8 sa semifinals, at Chinese Taipei sa score na 9-8 sa quarterfinals.

Huling nanalo ang Pilipinas sa torneyo noong 2013 sa pamamagitan nina Dennis Orcollo at Lee Vann Corteza.

Ito na ang ika-apat na trophy ng bansa sa  World Cup of Pool na ang unang dalawa ay noong 2006 at 2009, na kapwa kinatawan nina Efren ‘Bata’ Reyes at Django Bustamante. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author