dzme1530.ph

Jake Zyrus, magso-social media detox

Inanunsyo ni Jake Zyrus na magbe-break muna ito sa social media.

Sa Instagram post, sinabi ng singer na lalayo muna ito sa social media ng ilang linggo para mas makapag-focus sa kanyang mental health.

Inamin ni Jake na masalimuot ang kanyang pinagdaanan at maraming tao na nais siyang wasakin, kaya ang panlaban niya sa mga ito ay ang kanyang paggaling.

Aminado ang singer na hindi ito madali, subalit alam niyang makatutulong ito ng malaki sa kanya.

June 2021 nang isiwalat ni Jake ang tungkol sa kanyang nakaraan bilang Charice Pempengco, pati na ang lahat ng sakit na kanyang tiniis.

Sinabi ng singer, na nag-out bilang transman noong 2017, na grateful pa rin siya kay Charice at sa lahat ng kanyang mga pinagdaanan.

About The Author