Aminado ang Dep’t of Justice na mas malala ang overcrowding o siksikan sa jail facilities ng Bureau of Jail Management and Penology para sa kababaihan, kumpara sa mga kulungan para sa kalalakihan.
Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ni Justice Assistant Sec. at Spokesperson Mico Clavano na nasa mahigit 13,700 ang kasalukuyang bilang ng female PDLs, o katumbas ng 11% ng kabuuang jail population ng BJMP.
Tinukoy ding indikasyon ang pagkakaroon ng nakakulong na kababaihang menor de edad, mga nakararanas ng sekwal at pisikal na panghaharas, mga buntis at breastfeeding mothers, women with disabilities, at mga nakatatanda.
Kaugnay dito, sinabi ni Clavano na ang jail congestion sa kababaihan ay isa sa mga tututukan sa National Jail Decongestion Summit sa susunod na linggo.
Tatalakayin din ng Justice Sector Coordinating Council ang pagbuo ng bagong panuntunan at manual sa pamamahala sa Women in Conflict with the Law (WICL). —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News